Isa sa mga aktres na may magandang mukha sa showbiz ay si Arci Muňoz, maliban dito ay kabigha-bighani rin ang kanyang taglay na kaseksihan, kaya naman marami ang talagang humahanga sa kanya.
Maliban nga sa pgkakaroon ng magandang mukha at seksing katawan, ay hindi rin maikaka-ila na bilang isang aktres, ay may natatago ring talento at husay si Arci pagdating sa aktingan.
Ang serye ng ABS-CBN na “Pamilya Ko”, ang isa sa mga proyektong kinabilangan ni Arci Muňoz, kung saan natin nasaksihan ang kanyang kahusayan bilang isang aktres. At ngayon nga, na siya ay kabilang sa “Walang Hanggang Paalam” na isang serye muli ng ABS-CBN, ay muli niya na namang ipinapakita ang galing niya sa aktingan.
Kasama niya sa proyektong ito, ang mga kilala ring mahuhusay na mga artista sa showbiz, na sina Angelica Panganiban, Zandro Marudo at Paolo Avelino.
Hindi nga maikaka-ila na isa ang career ni Arci sa mga patuloy na namamayagpag ngayon, kaya naman ay talagang masayang-masaya ang aktres sa lahat ng biyayang tinatamasa niya sa kanyang buhay.
Samantala, nito nga lamang ika-12 ng Enero, ay nagdiwang si Arci ng kanyang kaarawan, kung saan siya’y tumuntong na sa kanyang ika-32 taong gulang na edad.
At sa spesyal na araw ngang ito sa kanyang buhay, ay talaga namag ibinahagi niya sa kanyang Instagram account, ang naging kaganapan sa kanyang kaarawan at kung ano ang kanyang sa araw ngang iyon.
Base sa mga larawang ibinahagi ni Arci sa kanyang IG, ay nagbaksyon ang aktres sa isang beach noong kanyang kaarawan, kung saan ay makikita ang kanyang ibinahaging seksi photo niya na siya’y nakasuot ng bikini habang siya ay nasa dalampasigan.
Hindi nga maikaka-ila na talagang mala-diyosa ang taglay na ganda ni Arci, lalo pa’t sa kanyang mga larawan kung saan siya’y nakasuot ng bikini na kulay dalandan, ay mas pinalitaw nito ang kanyang taglay na kaseksihan, at kakinisan.
Simpleng caption naman ang inilahad ni Arci sa kanyang mga larawan, na kung saan ay inilantad niya rin sa madla kung ilan na ang kanyang edad. “Thicker at 32”, ang naging caption nga ng aktres.
Sa hiwalay na post naman ni Arci, ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng kanyang larawan, kung saan siya’y tila namimingwit ng isda, at ang kanyang ngang naging caption ay;
“Isda, parang love life ko, mailap”, ani Arci.
Sa post ngang ito, ay tila inihahayag ni Arci sa lahat na hanggang ngayon nga na siya’y 32-taon na. ay nanatili pa rin siyang single, dahil sa mailap ang kanyang love life.
Isang larawan naman niya ang talagang naging agaw-pansin ang caption, at ito nga ay ang larawan niyang siyang nakasakay sa isang driving seat ng isang motor boat, habang naka-awra sa harap ng kamera at ang kanyang kamay ay nakahawak sa kanyang ulo.
Caption ni Arci sa larawang ito, “Yung alam mo na wala ka na sa calendario. Shakeet sa ulo besh.”
Inulan naman ng paghanga mula sa mga netizens at kaibigan niya sa showbiz ang mga nag-gagandahang larawan ni Arci, at marami rin sa mga ito, ang nagpaabot ng kanilang pagbati para sa kanyang kaarawan.
Read also: