Babae Nα Nαgραkasαℓ Sα Isαng Mαtαndαng Lαlaki, Nagυℓαt Sa Natuklasan Tungkol Dito!

2266

𝙼𝚊𝚛𝚊𝚖𝚒 𝚜𝚊 𝚊𝚝𝚒𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗𝚐𝚊𝚛𝚊𝚙 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚒𝚔𝚊𝚜𝚊𝚕 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚒𝚔𝚊 𝚗𝚐𝚊 𝚗𝚒𝚕𝚊 𝚊𝚢 𝚖𝚒𝚗𝚜𝚊𝚗 𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚝𝚘 𝚍𝚞𝚖𝚊𝚍𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚜𝚊 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚑𝚊𝚢. 𝙼𝚊𝚢 𝚗𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗𝚐𝚊𝚛𝚊𝚙 𝚗𝚐 𝚎𝚗𝚐𝚛𝚊𝚗𝚍𝚎𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚜𝚊𝚕 𝚊𝚝 𝚖𝚊𝚢𝚛𝚘𝚘𝚗 𝚍𝚒𝚗 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚒𝚖𝚙𝚕𝚎 𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚖𝚘 𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚘𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚙𝚊𝚔𝚊𝚜𝚊𝚕𝚊𝚗. 𝙿𝚎𝚛𝚘 𝚙𝚊𝚊𝚗𝚘 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚒𝚙𝚊𝚙𝚊𝚔𝚊𝚜𝚊𝚕 𝚔𝚊 𝚗𝚐 𝚒𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚞𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚊 𝚝𝚊𝚘𝚗𝚐 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚖𝚘 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚊𝚝 𝚒𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚗𝚍𝚊?

Katulad na lamang ng nangyari kay Shaw Chou. Ang pamilya nila Shaw Chou ay naninirahan sa isang maliit na komunidad sa bansang China. Gaya ng karamihan, sila ay nabibilang din sa mahirap na pamilya sa kanilang lugar. Subalit hindi ito alintana sa pamilya ni Shaw Chou.

Sa kabila ng kahirapan, nakakapag-aral pa din si Shaw Chou sa isang unibersidad sa kanilang lugar sa pamamagitan na din ng scholarship program sa kanilang bansa. Hanggang sa siya ay nakahanap na din ng maayos na trabaho pagtapos niyang mag-aral. Nagtatrabaho noon si Shaw Chou para matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya katuwang ng kaniyang kuya na noon ay hindi pa din nag-aasawa dahil inuuna nito na makatulong din sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagsasaka.

Nais na din sana noon ni Shaw Chou na magpakasal ang kaniyang kuya dahil nasa tamang edad na din ito. Subalit wala silang magawa dahil na din sa hirap ng kanilang buhay at hindi din naman ganoon kalaki ang kinikita ni Shaw Chou sa kaniyang trabaho at sapat lamang ito sa kanilang pamumuhay.

Sa paglipas ng mga araw, isang matandang lalaki ang nagpunta kila Shaw Chou at lakas loob nitong inalok ng kasal ang dalaga. Kung kaya’t kinausap ng matanda ang magulang ni Shaw Chou kapalit ng malaking halaga. Ang matandang lalaki na ito ay nagpakilala bilang isang pinakamayaman na tao sa kanilang lugar. Kapalit ng pag-iisang dibdib nito kay Shaw Chou ay nangako ito na bibigyan din ng magandang buhay ang pamilya ng dalaga.

Pag-alis ng matanda ay kinausap kaagad si Shaw Chou ng kaniyang mga magulang kung papayag ang dalaga sa alok ng matanda. Sumagot naman si Shaw Chou na pag-iisipan niya muna ang bawat desisyon sa alok ng matandang lalaki sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

Sa isip noon ni Shaw Chou ay tila wala namang masama kung magpapakasal siya sa matandang ito. Kung ito ang paraan upang maiahon niya sa hirap ang kaniyang pamilya at nakakasiguro naman siya na matututunan din niyang mahalin ang matanda na ito sa paglipas ng panahon.

Isa sa mga tinitignan ni Shaw Chou ay ang kaniyang kuya na hindi din makapag-asawa dahil sa hirap ng buhay at kung papakasalan ni Shaw Chou ang matanda ay magkakapera ang kaniyang pamilya at magkakaroon na din ng kakayanan ang kaniyang kuya upang makapag-asawa.

Lumipas ang ilang araw ay muling bumalik ang matanda sa lugar ni Shaw Chou at tinanong kung nakapagdesisyunan naba ang dalaga pati na din ang pamilya nito at doon nga ay sinabi ni Shaw Chou na pumapayag na siyang pakasalan ang matandang ito.

Labis ang tuwa ng matanda dahil sino nga ba naman ang hindi matutuwa na makatagpo ka ng isang babae na papakasalan ka sa kabila ng iyong edad. Samatala, si Shaw Chou naman ay tila puno ng takot at pangamba. Sa pagtatapos ng kanilang diskusyon ay nag takda na nga ang matanda ng araw ng kanilang kasal. Isang araw na ipinangako niya kay Shaw Chou na siguradong hinding hindi niya pagsisisihan at isang araw ang labis ang magiging kagalakan nitong si Shaw Chou.

Nang dumating na ang araw na iyon ay nagkaroon sila ng bonggang okasyon. Mga mayayamang bisita at sagana sa pagkain para sa lahat ng dadalo at kasama na doon ang buong pamilya ng dalaga.

Umiiyak noon si Shaw Chou dahil naisip niya na hindi iyon ang pangarap niyang kasal dahil mas gusto niyang noon na kahit simple lamang ay mahalaga ay mahal niya talaga ang lalaki na kaniyang pakakasalan. Ngunit mas nanaig kay Shaw Chou ang kapakanan ng kaniyang pamilya dahil sa pangarap niya na maiahon ito sa kahirapan at upang magkaroon na din ng kakayahan ang kaniyang kuya na makapag-asawa.

Pagtapos ng seremonya ng kasal ay sumama na si Shaw Chou sa bahay ng matandang lalaki at doon ay isinama siya nito sa kwarto nito. Labis ang kaniyang kaba noon at umiiyak na si Shaw Chou dahil sa takot. Pumasok sa banyo ang matandang lalaki at laking gulat ni Shaw Chou dahil paglabas nito ay isa ng binata at labis ang kagwapuhan at doon ay mas lalong naiyak ang dalaga.

Doon ay ipinaliwanag ng lalaki ang bawat pangyayari. Ang lalaki palang ito ay nagpanggap na matanda sa tulong ng ilang propesyunal na make up artist upang mahanap niya ang totoong magpapakasal sa kaniya sa kabila ng kaniyang edad. Ayon sa lalaki, mas pinili niyang magpanggap na isang matandang lalaki dahil mas marami ang tila iwas na pakasalan ang mga ito dahil na din sa edad at si Shaw Chou ang napili niyang pakasalan dahil alam niya na ginagawa ito ng dalaga hindi para sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang pamilya.

Doon ay nawala ang takot ng dalaga nang malaman ang katotohanan sa likod ng pagpapanggap bilang isang matanda. At ang binata na ito ay mayaman talaga kung kaya naman tinupad niya ang bawat pangako niya noong inaalok niya ng kasal si Shaw Chou sa kabila noon ng kaniyang ibang kaanyuan.

Tingnan dito: